Tuesday, September 3, 2019

Buwan ng Wika Insight

WI-FI CELEBRATION


Image result for buwan ng wika theme 2019  Kung paano ang mga rekado ay nagdaragdag ng sarap gayundin ang Wikang Katutubo, nagbibigay ng karagdarang kulay patungo sa Bansang Filipino.

  Tuwing sasapit sa Buwan ng Agosto, hindi natin pinapalampas ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Marahil, sa pamamagitan ng  okasyomg ito naaalala at napapanatili natin kong sino nga ba tayo at kung ano ba ang mga naiaambag ng simpleng selebrasyon sa ating buhay sa ating pagiging mamamayang Pilipino.

  Ngayong taong ito ang tema ng pagdiriwang ay, "Wikang Katutubo: Tungo sa Bansang Filipino." Samu't saring paligsahan o patimpalak ang itinatampok upang maging makabuluhan ang selebrasyon kagaya na lamang ng: Paggawa ng poster, Paggawa ng sanaysay, Pakikilahok sa tagisan ng talino, pakikilahok sa "spoken poetry," at pag-awit ng OPM upang maipahiwatig kung gaano nga ba kahalaga ang wika sa atin.

  Wika, apat na titik, iisang salita ngunit halos napakaraming nagliliparang talasalitaan na hindi matapos-tapos na hinggil sa Wika. Ang Wika ay kaakibat ng ating nakaraan, kasalukoyan, at maging sa hinaharap. Ika nga nila, Wika ang pinakamainam na tuloy ng pag-ibig, pagkakaisa at pagkakaunawan tungo sa kaunlaran. Kahit lumipasman ang pagkahabang-habang panahon o di kaya ay sumakabilang buhay man tayo. Wika ay mananatili sa ating buhay. Ito ay tila isang kaluluwa na inihahandugan at ipinapamana ng ating ninuno at maginng ang Maykapal.

 Ang Wikang ating kinagisnanay nararapat na pahalagahan kung tutuusin. Ito ay mahalagang sangkap sa kabuuan ng isang bansa. KUng walang magkakaparehong wika, walang patutunguhan at walang kaunlarang makakamit. Kaya't masasabi nating kapakipakinabang anng ating wika kung marunong tayo magmahal at magpahalaga sapagkat hindi natin matatawaran kahalagahan ng wika at ng ating dugong  bughaw.

Magkaiba man ang wika natin sa bawat pagbigkas at tinig nito. Ngunit, alam kong iisa lamang ang hangarin ng bawat isa sa atin.Ito ay maging kapaki-pakinapang na kasapi ng isang lipunan. Kaya't ang pagtanggap ng buong puso at dalisay na pagmamahal ay tila pagtanggap ng mismong pinagmulan at pagkakakilanlan tungi sa bansang Filipino.

photo ref: https://images.app.goo.gl/8K5xAHp2BsDncRZ68



No comments:

Post a Comment